Ito lang yung goal ko nung 2020:
1. MAG-RESIGN ☑️
PERIODT.
2. Mag-travel nang mag-travel hanggang sa maikot ang buong Pilipinas ❎
Planado na e, may schedule na kada buwan. Huhu.
3. Ma-publish sa anthology ☑️
Hindi ko alam kung saan ko ilalagay yung saya ko. Hindi ko na mabilang kung ilang anthology yun. Excited na ako sa mga launching!
4. Makapasok ulit sa national writing workshop ☑️
Hindi pa rin ako makapaniwala, Virgin Labfest Fellowship Writing Program at UST National Writers Workshop. Bagong karunungan, karanasan, at mga kaibigan.
5. Mag-unlock ng bagong skill ☑️
BAKING IS LIFE NA.
6. Maka-graduate sa Creative Writing ❎
Na-delay lang because of pandemic. Sure na, baka this month.
Konti lang naman yung listahan pero sa tingin ko mas marami akong hindi nagawa. Parang nawalan ako ng silbi. Maraming beses kong kinwestyon yung sarili ko. Masyado lang sigurong mabigat yung 2020. Sa krisis. Sa pandemya. May virus na kumakalat sa paligid: sakit at sa pamahalaan. Malaki ang problema sa labas at may karga-kargang problema sa loob ko. Epekto siguro ng nasa bahay lang. Mas maraming oras para mag-isip. Wala tayong nakikitang ibang bagay para makatakas o makalimot man lang. Ilang gabing umiiyak. Ilang buwang hindi makatulog. Maraming pagkakataong sinabi sa sariling ayoko na. Pero sinusubukan ko namang maging matatag araw-araw. Palagi.
Hay buhay, sana ngayong taon, okay na ako. Taon-taon namang hiling.
No comments:
Post a Comment